Huwebes, Pebrero 28, 2013


Marinduque (Tagalog pagbigkas: [mɑrinduke], (Tagalog:. Lalawigan Ng Marinduque), ay isang isla lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng MIMAROPA Ang kabisera nito ay Boac Marinduque ay matatagpuan sa pagitan ng Tayabas Bay sa hilaga at Sibuyan Sea sa timog.ito ay matatagpuan sa timog at kanluran ng Quezon, silangan ng Mindoro, at hilaga ng Romblon. lalawigan minsan ay tinatawag na puso ng Pilipinas, dahil ng mga heograpikal na lokasyon.





ALAMAT





Noong unang panahon, maraming taon na ang nakalilipas, ang mga lalawigan ng Camarines, Mindoro at Timog Kanlurang bahagi ng Laguna ay nasasakop ng barangay ng Batangas. Ang namumuno sa barangay na ito ay si Datu Batumbakal. Ang Datu ay may napakagandang anak na dalaga, si Mutya Maria. Si Mutya Maria ay itinuturing na Reyna ng Katagalugan, sapagka't taglay niya ang mga katangian ng isang reyna.
Maraming manliligaw si Mutya Maria. Kabilang na rito ang mayamang Datu ng Mindoro, Laguna at Camarines. Nguni't sinuman sa tatlong ito ay walang damdamin si Mutya. Ang kanyang napupusuan ay isang hamak na lalaki, si Garduke na kilala sa tawag na Duke. Si Duke ay mahilig umawit at kumatha ng mga tula. Isa siyang mangingisda.
Ang tatlong datu ay malayang nakakadalaw kay Mutya samantalang si Duke ay maraming ulit na pinagbawalan ni Datu Batumbakal. Minsang nakita ng Datu si Duke sa palasyo, ito ay kanyang kinagalitan at ipinagtabuyang palabas. Kahit pa sinabi niyang kagustuhan ng Mutya ang kanyang pagtuntong sa palasyo upang makinig ng kanyang mga tula ay hindi pa rin siya pinahintulutan ni Datu Batumbakal.
Magmula noon ay hindi na nakita si Duke. Labis na nalungkot at nangulila si Mutya Maria. Naglalakad-lakad siya sa bukirin sa pag-asang baka makita niya doon si Duke. At sa dulot ng tadhana, ang dalawa ay nagkita sa baybayin ng ilog Pansipit.
"Kung sadyang ako'y mahal mo, ipaglalaban mo ito sa anumang paraan." Hamon ni Mutya kay Duke. Bago naghiwalay ay napagkasunduan sa dalawa na magkita sa hardin ng palasyo sa pagsapit ng dilim.
Hindi nalingid kay Datu Batumbakal ang pagtatagpo ng dalawa. Kinagalitan niya ang anak at pinagbawalang makipagkita kay Duke. Isang kautusan ng kanilang barangay na ang mga dugong maharlika ay nababagay lamang sa kapwa dugong maharlika. Ang kautusang ito ay nilabag nina Maria at Duke.
Ipinahuli ni Datu Batumbakal si Duke at ito ay pinapugutan ng ulo. Labis itong ikinalungkot ni Mutya Maria. Ang pag-iibigan nina Maria at Duke ay naging bukambibig sa buong barangay at dito rin hinango ang pangalan ng isang lugar na ngayon ay kilala sa tawag na lalawigan ng Maringduque.



HEOGRAPIYA

Hugis-puso ang pulo ng Marinduque na may layong pitong milya sa pangunahing pulo ng Luzon. Ito ay may sukat na 370 milya kuwadrado kung kaya ito ang ikatlo sa pinakamalaking pulo sa Filipinas.
Nahahati sa anim na munisipalidad ang Marinduque. Kabilang sa mga munisipalidad ang Boac, Buenavista, Gasan, Mogpog, Santa Cruz, at Torrijos.


WIKA

Tagalog ang orihinal na wika ng mga taga-Marinduque subalit dahil sa lapit nito sa Rehiyon ng Visayas ay may mga salitang pinaghalong Tagalog at Bisaya na tanging mga taga-Marinduque lamang ang nakauunawa. May mga gumagamit ng wikang Bikolano. Marami ang nakakaintindi ng wikang Filipino at Ingles.

KULTURA
Magiliw sa pagtanggap ng bisita ang mga taga-Marinduque. Tinatawag na putong ang kaugaliang ito. Ang bisita ay pinauupo at sinusuotan ng koronang yari sa bulaklak at aalayan ng sayaw at awit ng mga babaeng taga-Marinduque.
Tuwing sasapit ang buwan ng Abril ay ipinagdiriwang ang Moriones. Ginaganap sa lansangan ang iba’t ibang parada at kasiyahan. Isinasabuhay ng mga taga-Boac ang pangyayari noong sandaling tinusok ng sibat ni Longhino ang tadyang ni Hesus at ang dugong tumalsik sa mukha ng naturang bulag na kawal ang mahimalang nagpanumbalik ng kaniyang paningin.

EKONOMIYA
Agrikultura ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Marinduqueño. Palay at niyog ang mga pangunahing pananim. Pagmimina ang dating ikinabubuhay nila ngunit dahil sa insidenteng nangyari sa kompanyang Marcopper na nagdulot ng malaking pinsala ay itinigil pansamantala ang pagmimina. Ang pangingisda ay may malaking bahagi rin sa ekonomiya ng Marinduque.



MGA LUGAR SA MARINDUQUE


BOAC




Image 1













Boac ay isang unang-class na munisipalidad sa lalawigan ng Marinduque, Pilipinas. Ang panlalawigang kabisera, at ay may populasyong 52,892 mga tao ayon sa 2010 census. 
Boac ay tahanan sa karamihan ng mga komersyal na negosyo sa lalawigan. Barangays San Miguel, Murallon at Mercado Business District ng bayan kung saan ang mga pampublikong market, mataas na gusali gusali, sports arena at Boac Town Arena, ngayon Moriones Arena ay matatagpuan. Samantala, Barangay Isok ay tahanan sa Education District ng bayan. Marinduque Pambansang Mataas na Paaralan, Saint Mary College of Marinduque, Don Luis Hidalgo Memorial School, Barangay Day Care Centers, Boac North District Office at ang Division ng Marinduque DepED Ofice ay matatagpuan dito sa Barangay Isok.Ang Marinduque Provincial Capitol ay matatagpuan sa Barangay Santol malapit sa Dr. Damian Reyes Memorial Hospital (dating Marinduque Provincial Hospital) at Camp Maximo Abad.



BUENAVISTA


Image 5













Buenavista ay ang ika-apat na klase ng munisipalidad sa lalawigan ng Marinduque, Pilipinas. Ayon sa 2010 sensus na isinasagawa ng Rural Health Unit, ay may populasyong 23,111 mga tao.

GASAN




Image 5














Gasan ay ang third klase ng munisipalidad sa lalawigan ng Marinduque, Pilipinas. Ayon sa 2010 census, ito ay may populasyong 33,402 mga tao. Ang munisipalidad ay bounded sa pamamagitan ng ang kabisera panlalawigan, Boac, sa hilaga at silangan, sa pamamagitan ng Buenavista sa timog-silangan at ng Sibuyan Sea sa timog at kanluran. Ito ay ang pangalawang-pinakalumang munisipalidad sa Marinduque, pagkatapos ng Boac. Mga residente ng Gasan ay tinatawag na Gaseños.

Ang Tres Reyes Islands sa dalampasigan ng Marinduque sa ilalim ng hurisdiksiyon ng Gasan, partikular sa ilalim ng hurisdiksiyon ng Barangay Pinggan ang munisipalidad.


MOGPOG

Image 2












Mogpog ay isang third klase ng munisipalidad sa lalawigan ng Marinduque, Pilipinas. Ayon sa 2010 census, ito ay may populasyong 33,384 mga tao.


SANTA CRUZ



Image 3












Santa Cruz ay isang unang klase ng munisipalidad sa lalawigan ng Marinduque, Pilipinas. Ayon sa 2010 census, ito ay may populasyong 55,673 mga tao. 


TORRIJOS



Image 3













Torrijos ay isang ika-apat na klase ng munisipalidad sa lalawigan ng Marinduque, Pilipinas. Ayon sa 2010 census, ay may populasyong 29,366 mga tao.







MGA PAGKAIN



SUMAN

Suman ay bibingka na nagmula mula sa Pilipinas.Ito ay ginawa mula sa malagkit na kanin na niluto sa gata, at madalas steamed balot sa buli o buli (Corypha) dahon. Ito ay karaniwang kinakain sprinkled may asukal. Suman ay kilala rin bilang budbod sa Bisaya mga wika na kung saan dominahin katimugang kalahati ng bansa.




ADOBONG MANOK SA DILAW





















TINIGANG (PAKSIW)




















KAPISTAHAN


MORIONES



Ang Pista ng Moriones ay isa sa makukulay na pagdiriwang sa pulo ng Marinduque. Ang Morion ay nangangahulugan “maskara”, na parte ng armor ng Romano na ipinapantakip sa mukha noong panahong Medyibal. Ang Moriones ay ang mga taong nakasuot ng maskara at nakagayak, na nagmamartsa paikot sa bayan, sa loob ng pitong araw sa paghahanap kay Longhino. Ang isang linggong pagdiriwang na ito ay nagsisimula sa Araw ng Lunes Santo at nagtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay.

KAUGALIAN

Umpisa pa lamang ng Lunes Santo, ang mga mamamayang nagtitika ay nagsusuot ng mga damit na mistulang sundalo sa sinaunang Roma o senturyon. Ang kanilang matitingkad na costume gayun din ang makukulay na mga maskara ay nakakapagbigay ng paniniwala na sila ay matatapang at malulupit na mga sundalo. Sa kanilang paglibot, sila ay gumagawa ng mga practical jokes sa mga lokal o di kaya ay tinatakot ang mga bata. Ang iba naman ay nagiiba ng boses na mistulang tinig ng ibon. Kasama sa pagpepenitensya nila ay ang pagitiis na maglakad at maglibot sa buong bayan sa ilalim ng matinding sikat ng araw. Ang kagawiang ito ay ang pagsasadula sa paghahanap ng mga senturyon kay Longinus.

KASAYSAYAN


Ayon sa alamat, si Longinus, isa sa mga sundalong bulag ang isang mata at nakasaksi sa pagpapako ni Hesukristo ay ibinaon ang kaniyang espada sa tagiliran ni Hesukristo upang matiyak na siya ay tunay na patay na. Tumilamsik ang dugo sa matang hindi nakakakita ni Longinus at himalang ito ay biglang gumaling at nakakita. Dahil dito, siya ay nagbalik-loob at naging isang Kristiyano.
Hinabol ng mga sundalo si Longinus sa buong kabayanan hanggang siya ay nahuli at hinarap sa isang aktor na tumayo bilang si Ponsyo Pilato. Ang iba ay tumayo bilang mga Pariseo upang husgahan siya at noong Pasko ng Pagkabuhay, si Longinus ay hinatulan sa kaniyang pagbabago ng relihiyon sa pamamagitan ng pagpugot.





1 komento:

  1. Casino Roll
    How to Play the Roulette 네온 벳 Wheel — A popular 토토커뮤니티 game for online slots. When players play the Roulette Wheel, they are 텍사스홀덤 required to 윈윈벳먹튀 place wagers. The casino will 하하 포커 머니 상

    TumugonBurahin